Nakamonitor umano ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ng presensya ng mga Arab nationals sa Lanao del Sur.
Pero nilinaw ni AFP Chief of Staff Gen. Eduardo Año na hindi pa matiyak kung miembro nga ng ISIS o may kaugnayan sa ISIS o teroristang grupo ang mga ito.
Giit pa ni Año, sadyang may mga namamataang mga Arab nationals sa Lanao provinces pero kadalasan ay may mga ginagawa ang mga itong religious missions.
Sa kabila nito, tinatrabaho na umano ng kanilang intelligence network group ang tunay na katauhan o pagkakakilanlan ng mga Arab personalities na nag-iikot sa probinsiya para matiyak na walang kuneksyon ang mga ito sa anumang terrorist groups.
Nauna nang naghayag ng pangamba ang mga residente sa lugar sa mga Arab-looking foreigners na kanilang nakikitang gumagala sa kanilang mga lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.