Binabantayang Tropical Depression ng PAGASA, inaasahang papasok sa PAR ngayong araw
Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang namuong bagyo sa labas ng Philippine Area of Responsibility o PAR.
Ayon sa PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 1,435 kilometers Silangan ng Visayas.
Taglay nito ang hangin na aabot sa 55 kilometers per hour malapit sa gitna, at pagbugso na umaabot sa 65 kph.
Inaasahang kikilos ito sa direksyong west northwest, sa bilis na 18 kilometers per hour.
Ayon pa sa weather bureau, kung hindi magbabago ang direksyon ng naturang bagyo, posibleng pumasok na ito sa bansa ngayong araw.
Sakaling pumasok ang bagyo sa PAR, papangalan itong “Dante”.
Sa ngayon, sinabi ng PAGASA maliit pa ang tsansa na tatama ito sa lupa at inaasahang magre-recurve ito papalayo sa bansa.
Samantala, malaking bahagi ng bansa kasama na ang Metro Manila ay makakaranas ng maaliwalas na panahon ngayong araw dahil umiiral pa rin ang easterlies.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.