Mga drug suspects puwedeng tumakbo sa Barangay at SK elections ayon sa comelec.
Nilinaw ng Comelec na hindi nila basta-basta maididiskuwalipika ang mga kakandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections base lang sa suspetsa na sila ay mga drug personalities.
Ito ang sinabi ni Comelec Chair Andres Bautista at aniya kailangan ng batas na magbibigay kapangyarihan sa kanila na idiskuwalipika ang mga kandidatong suspected drug pushers o users.
Paliwanag pa ni Bautista na sa ngayon nakasaad sa batas na kailangan ng pinal na hatol ng korte sa akusadong kandidato bago mabalewala ang kandidatura nito.
Nauna nang ipinanukala ng National Movement for Free Elections (NAMFREL) na maging aktibo ang Comelec sa screening ng mga kandidato na iniuugnay sa droga sa tulong ng DOJ, DILG at PNP.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.