PAGASA, binabantayan ang isang tropical depression na nasa labas ng PAR

By Mariel Cruz April 24, 2017 - 01:53 PM

DANTEBinabantayan ngayon ng PAGASA ang isang tropical depression sa labas ng Philippine Area of Responsibility na papalapit na sa bansa.

Ayon sa PAGASA, namataan ang naturang tropical depression sa layong 1,540 kilometers east ng Mindanao.

Taglay nito ang pinakamalakas na hangin na aabot sa 45 kilometers per hour at pagbugso na 60 kph.

Pero sinabi ng PAGASA na sa ngayong ay wala pa itong magiging direktang epekto sa bansa.

Kasalukuyang gumagalaw ang tropical depression sa direksyong west-northwest papalapit sa PAR.

Inaasahang papasok ito sa loobb ng PAR ngayong gabi ng Lunes.

Sakaling pumasok sa bansa, papangalanan itong bagyong Dante.

Ayon naman sa US Joint Typhoon Warning Center, posible itong madevelop sa tropical cyclone bukas, araw ng Martes.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.