Walang rekord na nakabalik na sa bansa si Lascañas’-BI
Walang record ang Bureau of Immigration (BI) kung nakabalik na sa bansa ang confessed Davao Death Squad member na si dating SPO3 Arturo Lascañas sa bansa.
Si Lascañas ay matatandaang lumabas ng Pilipinas noong April 8 dahil umano sa mga banta sa kanyang buhay at mga banta mula sa ilang grupo na siya’y kakasuhan dahil sa pagbaligtad sa nauna niyang testimonya hinggil sa DDS.
Ayon kay Immigration spokesperson Antonette Mangrobang, walang rekord ang ahensya na bumalik na sa bansa si Lascañas noong April 22.
Sa return ticket ni Lascañas na ipinrisinta bago siya umalis, isinasaad dito na April 22 ang kanyang balik sa bansa.
Matatandaang una nang humarap si Lascañas sa pagdinig sa Senado at itinanggi na mayroong Davao Death Squad.
Gayunman, nong Pebrero, biglang humarap sa media ang dating pulis at binawi ang kanyang naunang testimonya sa Senado at idiniin si Pangulong Rodrigo Duterte bilang pasimuno umano ng DDS.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.