Magnitude 5.1 na lindol, yumanig sa Tandag, Surigao del Sur
Niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ang Tandag, Surigao del Sur kaninang 9:19 ng umaga (April 23).
Batay sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology o Phivolcs, nairekord ang lindol 22 kilometers north ng Tandag.
Ang lindol ay may lalim na 28 kilometers, at tectonic ang origin.
Naitala ang Intensity II sa Bislig, Surigao del Sur; habang Intensity I sa Borongan, Eastern Samar.
Ayon sa Phivolcs, bunsod ng 5.1 magnitude na lindol ay asahan na ang aftershocks.
Minomonitor naman ng ahensya kung may pinsalang idinulot ang lindol.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.