Mahigit P5M na halaga ng shabu, nasabat ng QCPD
Arestado ang tatlong big time drug pusher sa ikinasang buy-bust operation sa Bulacan at Nueva Ecija.
Nakilala ang mag-live in partner na sina Melvin Samson at Gerlie Santiago na nasakote sa isang safehouse sa Guimba, Nueva Ecija.
Nakuha sa mga suspek ang 120 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng 600 thousand pesos.
Sunod namang naaresto ang supplier nila na si Kimberly Arsoden sa isang motel sa Calumpit, Bulacan.
Isang kilo ng hinihinalang shabu ang nakuha mula sa suspect na nagkakahalaga ng limang milyung piso.
Ayon kay Quezon City Police District Director Chief Supt. Guillermo Eleazar, ang mga nahuling suspect ang nagbabagsak ng droga sa mga lalawigan ng Bulacan, Tarlac, Nueva Ecija, at Northern Metro Manila.
Ayon sa mga suspek, ang drogang kanilang ibinebenta ay mula umano sa isang Chinese drug lord na naka-kulong na ngayon sa Bilibid.
Nahaharap naman ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
EARLIER: Mga arestadong drug pusher sa Bulacan at Nueva Ecija, iprinisinta ng QCPD | @CyrilleCupino pic.twitter.com/yu2YlIipos
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) April 22, 2017
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.