Pulis sugatan sa pakikipaglaban sa mga NPA sa Masbate
Sugatan ang isang pulis sa pagsabog ng improvised explosive device (IED) ng mga komunistang rebelde sa Masbate kahapon.
Tinamaan ng naturang IED ang unit ng pulisya na reresponde sa insidente ng pamamaril sa bayan ng Uson.
Nagtamo ng sugat dulot ng shrapnel si Police Officer 1 Celito Amistad nang sumabog ang IED sa Barangay Badling dakong alas-4:00 ng umaga.
Matapos ito, nakabakbakan ng siyam na pulis ang humigit-kumulang 80 hinihinalang miyembro ng New People’s Army nang 20 minuto ayon sa lider ng police unit na si Senior Police Officer 4 Manny Marcaida.
Nasa maayos na kondisyon na si Amistad sa MC Hospital sa Masbate City.
Pinarangalan din siya ni Chief Superintedent Melvin Ramon Buenafe ng PNP Region 5 ng Medalya ng Kagalingan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.