Abu Sayyaf leader na si Joselito Melloria napatay sa Bohol
(Update) Kinumpirma ng militar na patay na ang Abu Sayyaf sub-leader na si Joselito Mascariñas sa naganap na barilan sa Brgy. Bacani sa bayan ng Clarin, Bohol.
Nauna nang sinabi ni Maj. Gen. Oscar Lactao ng AFP Central Command na isang operasyon ang kanilang inilunsad sa bayan ng Clarin laban sa ilang suspected Abu Sayyaf members.
Magugunitang lumabas ang ulat na may ilang miyembro ng bandidong grupo kasama si Melloria ang nakatakas sa gitna ng police at military operations sa Inabanga, Bohol.
Sa naganap na bakbakan ay napatay rin ang dalawang sibilyan na sina Constancio at Crisenta Petalco na sinasabing mga kaanak ni Melloria at kaalyado rin ng mga bandido.
Noong Miyerkules ay sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na maglalaan siya ng tig-P1 Million sa bawat miyembro ng Abu Sayyaf na mahuhuli o kaya ay mapapatay bilang reward.
Sa ngayon ay patuloy na sinusuyod ng mga tauhan ng AFP at PNP ang mga bayan ng Clarin at Inabanga para matiyak na wala ng mga tauhan ng Abu Sayyaf Group sa Lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.