Kampo ng NPA sa Camarines Sur nakubkob ng militar
Napasakamay ng militar ang isang pinaniniwalaang kampo ng New People’s Army (NPA) matapos ang dalawang oras na bakbakan sa bayan ng Del Gallego, Camarines Sur.
Sinabi ni Captain Randy Llunar, public affairs officer ng 9th Infantry Division ng Philippine Army na nakaengkwentro ng mga sundalo ng 92nd Division Reconnaissance Company ang mga komunistang rebelde sa Barangay Bagong Silang.
Walang namatay sa panig ng mga tropa ng pamahalaan samantalang pinaniniwalaang marami ang tinamaas ng mga bala sa panig ng mga rebelde dahil sab akas ng mga dugo sa lugar.
Sinabi ni Llunar na nakatanggap sila ng impornasyon mula sa mga sibilyan ukol sa naturang kampo ng NPA.
Natukoy at sinubaybayan ng mga sundalo ang kampo at nagsagawa ng operasyon laban sa mga rebelde.
Ang naturang kuta ng mga rebelde ay may mga tents na kayang i-accommodate ang 50 katao.
Narekober ng militar ang isang M16A1 rifle, isang rifle grenade, dalawang improvised explosive devices, isang IED detonator, 200 metrong wire at iba pang personal na mga kagamitan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.