NGCP humiling na maalis ang mga obstruction sa mga tore ng NGCP

By Alvin Barcelona April 20, 2017 - 04:23 AM

 

Alabang ViaductHumingi na ng tulong ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa lahat ng mga lokal na opisyal para malinis ang mga obstruction sa mga transmission line.

Kasunod ito ng sunog sa kanilang Tower 34 sa Alabang, Muntinlupa na dulot ng informal settlers na nakatira sa tabi nito.

Ayon sa NGCP, dapat kilalanin ng lahat ang transmission right of way para sa kaligtasan ng lahat.

Mga lugar aniya malapit sa kanilang mga tore ay dapat walang anumang istraktura dahil sa panganib na posible nitong idulot sa kanilang tramsmission line pati sa mga tao sa paligid nito.

Isinasaayos na ng NGCP ang restoration work sa kanilang tore sa Alabang na napinsala dulot ng sunog.

Kagabi, nagpadala na ng crane ang NGCP sa pag-asang maitayong muli ang napinsalang tore sanhi ng sunog.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.