Mga adik may karapatan din at hindi dapat patayin ayon sa isang kongresista

By Isa Avendaño-Umali April 19, 2017 - 04:10 PM

tom-villarin
Inquirer file photo

Para isang taga-oposisyon sa Kamara, pinatuyan umano ng resulta ng latest survey ng Social Weather Station o SWS na bigo ang war against drugs ng administrasyong Duterte at dapat nang matigil ang extrajudicial killings.

Ayon kay Akbayan Partylist Rep. Tom Villarin, dapat magsilbing wake-up call sa gobyerno ang resulta ng SWS survey na nagpapakitang kakaunti ang mga Pilipinong kuntento sa polisiya ng administrasyon sa paglaban sa ilegal na droga.

Giit ni Villarin, panahon na para bigyan ng ultimatum ang polisya para hulihin at kasuhan ang mga mamamatay-taong vigilante o mismong kabaro nila.

Sa halip aniya na bigyang-parangal ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga ito ay dapat mapatawan sila ng mabigat ng parusa.

Dagdag pa ng kongresista, kailangang mamulat na rin sa katotohanan ang publiko matapos mamatay ang mahigit walong libong kapwa Pilipino sa kasagsagan ng kampanya laban sa ilegal na droga.

Ani Villarin, tao rin ang mga adik at maling-mali na basta na lamang silang pagpapatayin nang walang due process.

TAGS: akbayan, drug addicts, duterte, ejk, SWS, tom villarin, akbayan, drug addicts, duterte, ejk, SWS, tom villarin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.