Pamamaslang sa hepe ng Coast Guard Station Albay at kanyang asawa, kinondena ng PCG

By Erwin Aguilon April 19, 2017 - 12:11 PM

PCG OFFICIAL
PCG PHOTO

Nakilala na ang mag-asawang napatay sa pananambang ng riding in tandem sa Road 10, Tondo, Maynila hatinggabi ng Miyerkules.

Ayon kay Manila Police District Homicide Chief Sr. Insp. Fernildo De Castro, ang mga biktima ay sina Lt. Senior Grade Archie Hicban, 34 anyos, station commander ng Coast Guard sa Albay at tumatayong operations officer ng Coast Guard-Bicol District at ang misis nitong si April Hicban na empleyada sa isang kumpanya.

Ayon kay Sr. Insp. De Castro, lahat ng anggulo sa krimen ay sinisiyasat na nila at naghahanap na rin sila ng CCTV footage.

Sakay ng puting pick-up ang mag-asawa at nang tumigil sa may kanto ng Capulong at Road 10 sa Tondo ay saka tumapat ang riding in tandem na sunud-sunod na namaril sa mga biktima.

Labing apat na basyo ng caliber 9mm ang narekober sa crime scene.

Mahigpit namang kinundena ng pamunuan ng Philippine Coast Guard ang naturang pananambang kasabay ang paghingi ng katarungan.

Ayon kay PCG spokesman Commander Armand Balilo, wala silang alam na may kaaway o masamang record si Lt. Sr. Grade Archie Hicban dahil mabait ito.

Nasa Maynila lamang si Hicban para sa schooling sa PCG-Education and Training Command para ma-promote na Lt. Commander.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.