Acquittal ni GMA sa plunder case pinagtibay ng SC

By Den Macaranas April 18, 2017 - 04:35 PM

arroyo1
Inquirer file photo

Sa botong 11-4 ay tuluyan nang pinagtibay ng Mataas na Hukuman ang acquittal ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo kaugnay sa plunder case na kanyang kinakaharap may kinalaman sa umano’y iligal na paggamit sa P366 Million na pondo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Sinabi ni Supreme Court Spokesman Atty. Theodore Te na pinagtibay ng boto sa en banc session ng Mataas na Hukuman ang nauna nilang desisyon noong July 2016 pabor kay Arroyo.

Nauna nang naghain si Arroyo na ngayon ay kinatawan sa Kamara ng lalawigan ng Pampanga ng kanyang demurrer to evidence petition dahil sa umano’y kakulangan ng ebidensiya sa kasong isinampa sa kanya ng Ombudsman.

Laman ng kanyang petisyon ang pagbasura sa dalawang naunang desisyon ng Sandiganbayan laban sa kanya noong April 16 at September 10, 2015  dahil hindi umano pinagbigyan ang kanyang inihaing demurrer to evidence plea.

Kabilang sa mga mahistrado na hindi pabor sa pagbasura sa plunder case ng dating pangulo ay sina Chief Justice Maria Lourdes Sereno, Senior Associate Justice Antonio Carpio, Associate Justices Marvic Leonen at Alfredo Benjamin Caguioa.

Pinagtibay rin ng Supreme Court ang pagpapalaya sa co-accused ni Arroyo sa kaso na si dating PCSO Assistante General Manager Benigno Aguas.

Inutusan rin ng SC ang PNP na kaagad na palayain si Aguas na ngayon ay nakakulong sa custodial center sa loob ng Camp Crame.

TAGS: GMA, ombudsman, pcso, plunder, Supreme Court, GMA, ombudsman, pcso, plunder, Supreme Court

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.