Pagresolba sa election protest ni Bongbong Marcos, maaaring abutin ng anim na taon

By Len Montaño April 18, 2017 - 01:11 PM

leni-bongbong-0516Aabot ng mahigit anim na taon bago matapos ng Korte Suprema na umuupong Presidential Electoral Tribunal ang recount ng resulta ng 2016 Vice Presidential elections.

Pahayag ito ng kampo ni Vice President Leni Robredo sa gitna ng pagkuwestyon ng nakalaban niyang si dating Senador Bongbong Marcos sa kanyang panalo.

Ayon sa abogado ni Robredo na si Atty. Romulo Macalintal, ang pagbilang sa election result sa isang munisipyo ay inaabot ng isang taon at kalahati hanggang dalawang taon at nasa poll protest ni Marcos ang labing-walong lalawigan at limang syudad.

Una nang inakusahan ng kampo ni Marcos si Robredo na umano’y sinasadyang idelay ang electoral protest, bagay na ayon kay Macalintal ay pagkakamali ng dating senador.

Itinanggi naman ng abogado ni Marcos na si Atty. Vic Rodriguez ang pahayag ni Macalintal.

Ang kanila aniyang protesta ay siksik sa ebidensya dahil mayroon itong isang libong pahina at nasa dalawang libong pahina ang attachment.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.