Voter’s registration para sa Brgy at SK elections, muling ipinaalala ng Comelec
Ipinaalala ng Commission on Elections na bukas na muli ang kanilang mga opisina upang ipagpatuloy ang pagtanggap ng mga aplikasyon ng mga magpaparehistro para sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa darating na Oktubre, ngayong taon.
Pinamamadali na ng Comelec ang publiko na magsadya sa kanilang mga tanggapan, mula alas 8 ng umaga hanggang alas 5 ng hapon, lalo’t deadline na ng registration sa ika 29 ngayong Abril.
Sa kasalukuyan ayon sa Comelec, nasa 2,174,601 na aplikasyon na para sa voter’s registration ang kanilang natanggap, mula noong Nobyembre 2016 hanggang Marso 2017.
Nauna nang inihayag ng poll body na tuloy ang kanilang paghahanda sa Barangay at SK elections sa Oktubre hanggang hindi nagiging batas ang muling pagpapaliban ng eleksyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.