Mag-amang Binay, humirit sa Sandiganbayan na makabiyahe patungong Israel

By Isa Avendaño-Umali April 12, 2017 - 11:39 AM

 

BinaysHiniling nina dating Vice President Jejomar Binay at anak na si dating Makati Mayor Jun-Jun Binay na payagan silang makaalis ng bansa patungong Israel upang makapag-pilgrimage sa Mayo.

Ang mag-amang Binay ay nahaharap sa mga kasong malversation, graft at falsification dahil sa umano’y overpriced na Makati Parking Building.

Naghain ang dalawa ng parehong travel motions sa Sandiganbayan 3rd division para sa kanilang biyahe mula May 15 hanggang 29, 2017.

Binanggit sa mosyon na ang pilgrimage ay pangungunahan ni Fr. Francis Gustilo, ang pilgrimage chaplain at dating Father Provincial of the Salesians Fathers sa Pilipinas.

Si Fr. Gustilo rin ang spiritual facilitator ng mga Binay sa kanilang regular bible meetings tuwing Martes sa Don Bosco Center sa Makati City.

Sakaling aprubahan ng korte ang mosyon, makakasama rin ng dating presidente sa Holy Land ang kanyang misis na si Dra. Elenita, iba pa nilang anak, mga apo at manugang.

TAGS: dating Vice President Jojo Binay, dating Vice President Jojo Binay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.