TINGNAN: Ilang bahay, paaralan sa Wao, Lanao del Sur, apektado ng magnitude 6.0 na lindol

By Erwin Aguilon, Isa Avendaño-Umali April 12, 2017 - 09:21 AM

 

Litrato mula kay Shoraida Abantas-Ampatua
Litrato mula kay Shoraida Abantas-Ampatua

Nakaramdam ng hindi bababa sa labing apat na pagyanig ang mga residente ng Wao, Lanao del Sur, umaga ng Miyerkules Santo (April 12).

Nauna nang sinabi ng Phivolcs na naitala ang magnitude 6.0 na lindol sa Lanao del Sur kaninang 5:21 ng umaga.

Lanao 02
Litrato mula kay Shoraida Abantas-Ampatua

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Shoraida Abantas, Department of Education  o DepEd supervisor District 1 sa Wao, Lanao del Sur, na sa labing apat na pagyanig na kanilang naramdaman, ang ikalawa ang pinaka-malakas.

Ayon sa kanya, nakakatakot ang paglindol dahil bukod sa sobrang lakas ay talagang umaalog ang paligid at nawalan pa ng ilaw.

At pagkatapos ng ikalawang pagyanig ay sunud-sunod na ito.

Lanao 01
Litrato mula kay Shoraida Abantas-Ampatua

Sinabi ni Abantas na sa kabila ng mga pagyanig ay wala nang naiulat na masamang nangyari.

lanao 06
Litrato mula kay Shoraida Abantas-Ampatua

Gayunman, may ilang bahay ng mga guro at school buildings ang nag-crack ang pader o kaya nama’y may nahulog na hallow blocks at kisame.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.