Kasunduan sa isyu ng labor at foreign relations, nilagdaan sa Saudi visit ni Pangulong Duterte

By Jay Dones April 12, 2017 - 04:24 AM

 

Malacañang photo

Nagsama sa isang tanghalian sina Pangulong Rodrigo Duterte at Saudi King Salman bin Abdulaziz al-Saud sa pribadong tirahan nito sa Erga Palace.

Kaugnay ito ng pagbisita ng pangulo sa Kaharian ng Saudi Arabia at sa iba pang bansa sa Gulf States.

Hindi tulad ng mga pagbisita ng pangulo sa China, Malaysia at Cambodia, walang military honors na sumalubong kay Duterte sa pagdating nito sa Saudi.

Paliwanag ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella, iba ang tradisyon sa naturang kaharian kung ikukumpara sa ibang bansa na napuntahan na ng pangulo.

Sa luncheon banquet sa palasyo ng hari, nagkaroon ng bilateral talks sa pagitan nina pangulong Duterte at King Salman.

Nagkaroon rin ng lagdaan sa pagitan ng mga opisyal ng Department of Foreign Affairs at Saudi counterpart nito upang palawigin ang konsultasyon sa pagitan ng dalawang Kagawaran.

Isang labor agreement naman ang nabuo sa pagitan ng Saudi Ministry of Labor and Social Development at ng Department of Labor and Employment.

Bago ang state lunch ng dalawa at ng kanilang mga delegasyon, malugod na sinalubong si Pangulong Duterte ng hari at Prince Faisal bin Bandar bin Abdulaziz, na governor ng Riyadh sa Rawdhat Khuraim.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.