North Korea, nagbabala vs Amerika sa pagpapadala ng warships sa Korean Peninsula
Nagbitiw ng malalim na babala ang North Korea laban sa pagpapadala ng Amerika ng US naval strike group sa Korean peninsula.
Sa pahayag ng Pyongyang, sinabi nitong nakahanada ang North Korea na maglunsad ng anumang uri ng hakbang upang kontrahin ang ipinapakitang ’aggresion’ ng Amerika.
Dahil aniya sa sitwasyon, may karapatan ang North Korea na maglunsad ng ‘self-defensive’ at ‘pre-emptive strike’ na gagamitan nila ng ‘nuclear force’ kung kinakailangan.
Ang Amerika rin aniya ang dapat na sisihin sakaling humantong sa hindi kanais-nais na kaganapan ang susunod na mga sitwasyon sa rehiyon.
Ang babala ng Pyongyang ay bilang tugon sa pagpapadala ng Pentagon ng USS Carl Vinson aircraft carrier at dalawang guided missle cruiser sa Korean Peninsula noong nakaraang linggo.
Idineploy ng US ang naturang mga warship dahil sa mga missile test na inilunsad ng North Korea kamakailan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.