#TripniKris, hindi na masusundan

By Jay Dones April 12, 2017 - 04:20 AM

 

kris-aquinoFirst and last na episode na ang naipalabas na episode ng programang Trip Ni Kris na ipinalabas nitong nakaraang Linggo.

Ito’y dahil mangangailangan na ng bagong producer ng show ng tinaguriang Queen of All Media matapos akusahan umano ng kung-anu ano ni Kris ang mga namuhunan para sa programa na sina Rhodora at Renan Morales ng Nueva Ecija.

Ilan sa mga ibinatong alegasyon ni Kris sa mag-inang producer ng Trip ni Kris kamakailan ay ang delayed umanong pagbabayad ng mga ito.

Ginamit lang din umano siya ni Konsehal Renan, dahil may ambisyon itong maging vice-governor ng Nueva Ecija.

Ang lahat ng mga pinakawalang pahayag ni Kris na lumabas sa PEP.ph ay umani ng negatibong reaksyon mula sa mamamayan.

Bagama’t nag-trending sa Twitter ang hashtag ng programa, hindi naman nito natalo sa ratings ang katapat nitong programa ni Vice ganda sa kabilang himpilan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.