Ipinag-utos na ng Bureau of Immigration ang agarang pagpapalayas sa bansa ng dalawang dayuhang hinihinalang miyembro ng Islamic State na naaresto kamakailan sa isang raid sa Taguig City.
Sa magkahiwalay na desisyon ng BI, agad na ipapadeport ang Syrian national na si Rahman Zina at ang Kuwaiti national na si Husayn Al-Dhafiri.
Ang dalawa na inaresto noong March 25 sa Bonifacio Global City sa Taguig ay nasa kustodiya ngayon ng National Bureau of Investigation.
Laman rin ng kautusan ang paglalagay sa ‘blacklist’ ng mga pangalan ng dalawa at ang kanselasyon ng work visa ni Al-Dhafiri.
Itinuturing na banta sa seguridad ng publiko ang dalawa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.