1 patay sa engkuwentro sa pagitan ng Militar at pulisya laban sa mga hinihinalang ASG members sa Inabanga, Bohol

By Ruel Perez April 11, 2017 - 01:41 PM

inabanga bohol isa patay sa sagupaan militar pulis asgKinumpima ni CPNP Ronald Bato dela Rosa na isang sundalo ang namatay sa engkuwentro sa pagitan ng tropa ng pamahalaan, PNP laban sa hinihinalang bandidong grupo ASG umaga ng Martes, April 11.

Hindi pa naman maidetalye ni CPNP Bato ang umano’y nagpapatuloy na bakbakan sa pagitan ng di pa matukoy na armadong grupo.

Pero ayon sa Inabanga PNP, nakatanggap sila ng report Lunes (April 10) pa sa umano ay presensya ng armadong lalaki sa nasabing barangay kung kaya kaagad rumesponde ang mga sundalo at mga police personnel ng lalawigan ng Bohol.

Matatandaan na nagpalabas ng travel advisory ang US embassy sa kanilang citizens na mag ingat sa kanilang pagbiyahe sa Central Visayas partikular sa Cebu at Bohol, dahil sa umano’y banta ng kidnapping ng terroristang grupo .

TAGS: 1 sundalo patay, ASG, Bohol, cebu, CPNP Bato, engkuwentro, Inabanga Bohol, Militar, Pulis, travel advisory, US Embassy, 1 sundalo patay, ASG, Bohol, cebu, CPNP Bato, engkuwentro, Inabanga Bohol, Militar, Pulis, travel advisory, US Embassy

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.