Kabuuang 140 na tauhan pa ang idineploy ng Bureau of Immigration (BI) sa mga immigration counters sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ito ay upang mas mapalakas pa ang pwersa ng immigration officers na naka-istasyon na sa paliparan, matapos ang mass resignations at leave ng mga immigration officers kamakailan.
Dahil kasi sa kakaunti na lang ang tumatao sa mga immigration counters, humahaba ang pila ng mga pasahero sa NAIA at nagsasanhi ng aberya.
Ayon kay Port Operations Division head Red Mariñas, mayroon pang 341 na tauhan ng BI na sanay sa pagpo-proseso ng mga dokumento ang kasalukuyan nang naka-standby, para mapunan ang mga pangangailangan ng napakaraming pasaherong inaasahang dadagsa sa paliparan ngayong Semana Santa.
Sa ngayon aniya ay mayroon nang dalawang immigration officers na nakaabang sa bawat immigration counters.
Para kay Manila International Airport Authority (MIAA) general manager Ed Monreal, sapat na ang ganitong bilang para makatakbo nang maayos ang kanilang operasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.