Satisfaction rating ni Robredo, bumagsak ayon sa SWS survey

By Kabie Aenlle April 11, 2017 - 09:02 AM

robredoBumulusok ang net satisfaction ratings Vice President Leni Robredo base survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS) para sa unang quarter ng 2017.

Base sa resulta ng nasabing SWS poll, ilang matataas na opisyal ng gobyerno ang nakakuha ng mas mababang net satisfaction rating, ngunit si Robredo ang nakakuha ng pinakamalaking pagbaba.

Sa 1,200 na respondents ng nasabing survey na isinagawa noong March 25 hanggang 28, 53 percent ang nagsabing “satisfied” sila kay Robredo, habang 27 percent naman ang “dissatisfied” at 19 percent naman ang “undecided.”

Dahil dito, bumaba ng 11 puntos ang net satisfaction rating ni Robredo sa “moderate” na +26, mula sa dating “good” na +37 na naitala noong nagdaang quarter.

Bumaba din ang rating ni Senate President Koko Pimentel na napunta sa “moderate” na +29, mula sa “good” na +30 noong huling quarter ng 2016.

Dalawang puntos naman ang ibinaba ng rating ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno, na nasa +14 na lamang mula sa dating +16, ngunit nananatili pa rin siya sa “moderate” rating.

Kung bumaba ang nakuhang rating nina Robredo, Pimentel at Sereno, tumaas naman ang nakuha ni House Speaker Pantaleon Alvarez na mula sa dating moderate +10, ay nasa moderate +12 na ngayong.

Una naman nang lumabas na napanatili ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang “very good” na +63 rating.

Sa kaso ni Robredo, posibleng malaki ang naging epekto ng kaniyang recorded video kung saan ibinunyag niya ang umano’y “palit-ulo scheme” na nagaganap sa drug war ng administrasyon.

Mababatid din na madalas ang pagbibigay ng kritisismo ni Robredo laban sa administrasyong Duterte.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.