Hindi ititigil ng PNP ang pagsasagawa ng kanilang anti-illegal drugs operations kahit na ginugunita na ang Semana Santa.
Ayon kay Chief PNP Ronald dela Rosa, magtutuloy tuloy ang Oplan Tokhang reloaded at hindi nila papopormahin ang mga drug personalites kahit na bakasyon.
Kaugnay nito, sinabi ni CPNP Ronald Bato dela Rosa na ‘less bloody’ ang isinasagawa ngayong Oplan Double Barrel Reloaded kumpara sa mga unang ikinasang Oplan Double Barrel.
Batay sa datos ng PNP, simula noong March 1 hanggang ngayong araw umaabot na sa 107 drug personalities ang napatay sa operasyon.
Mababa umano ito kumpara sa mga nakalipas na anti illegal drugs operation nang pumasok ang Duterte administration.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.