3 CAFGU patay, 11 sugatan sa encounter vs ASG sa Sumisip, Basilan

By Ruel Perez April 11, 2017 - 04:21 AM

 

Sumisip-BasilanTatlong miyembro ng civilian forces ang nasawi samantalang ilan pa ang nasugatan sa pinakahuling sagupaan ng puwersa ng militar at Abu Sayyaf sa Basilan.

Ayon kay Western Mindanao Command Spokesperson Capt. Joan Petinglay, nagsasagawa ng security patrol ang tropa ng 4th Special Forces Battalion ng Joint TF Basilan nang tambangan ng mga bandido ASG sa Barangay Cabcaban, Sumisip, Basilan, dakong alas 7:15 ng umaga, Lunes.

Dakong alas-7:45 nang dumating ang reinforcement ng tropa mula sa 1st Special Forces Company dahilan para umatras ang mga miyembro ng ASG.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang hot pursuit operation sa lugar.

Sa nasabing sagupaan 3 miyembro ng Civilian Active Auxiliary o CAA ang patay, 5 iba pang mga kasamahan nito ang sugatan habang 6 naman ang nasugatan sa hanay ng militar.

Walo sa mga sugatan ay ginagamot ngayon sa Camp Navarro General Hospital sa Zamboanga City habang ang 3 iba pa ay ginagamot nsa Ospital ng Basilan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.