Philvocs: West Valley fault di apektado ng lindol sa Batangas
Pinawi ni Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Philvocs) Director Renato Solidum ang mga pangamba na pagmumulan nang malakas na lindol sa Metro Manila ang naganap na pagyanig sa lalawigan ng Batangas noong nakaraang araw ng Sabado.
Paliwanag ni Solidum, walang basehan ang kumakalat sa text messages na yayanigin ng malakas ang metro manila dahil sa magnitude 6 na lindol sa bayan ng Mabini kamakailan.
Sinabi ng mga opisyal ng Philvocs na isang lokal na fault line sa bayan ng Mabini ang gumalaw noong Sabado na naging dahilan ng pagyanig.
Samantala, nais din ni Batangas Governor Hermilando Mandanas na magbigay ng assessment report ang Malampaya lalo’t dumadaan sa ilalim ng karagatan ng Batangas ang mahigit sa 500 kilometrong gas pipeline.
Pati ang epekto sa marine biodiversity ng sakuna ay gusto rin malaman ng gobernador.
Iniulat naman ni Lino Castro Head ng PDRRMO na base sa kanilang huling assessment ay nasa mahigit sa 11,000 katao pa ang nananatili sa mga evacuation centers.
Karamihan umano sa mga ito ay takot umuwi sa kanilang mga bahay dahil patuloy pa rin ang mga aftershocks na nararamdaman sa malaking bahagi ng lalawigan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.