PNP, nakahanda sa anumang banta ng terorismo ngayong summer vacation

By Ruel Perez April 10, 2017 - 02:09 PM

pnpTiniyak ni Philippine National Police chief Gen. Ronald ‘Bato’ Dela Rosa na handa ang kanilang hanay para sa anumang banta ng terorismo sa bansa kaya’t walang dapat na ikatakot ang mga turistang magtutungo sa bansa ngayong holiday.

Ito ay matapos maglabas ng travel warning ang US Embassy sa kanilang mga kababayan sa Central Visayas hinggil sa mga ulat na kidnapping sa lugar kasunod ng nahuling umano’y mga miyembro ng International terror group na IS.

Ayon kay Dela Rosa, preparado ang pambansang pulisya sa Central Visayas at ligtas naman umano ang iba pang lugar sa bansa

Sa kabila nito, payo ni Dela Rosa sa mga turista, iwasang pumunta sa mga lugar kung saan talamak ang pangingidnap ng teroristang grupong Abu Sayyaf.

Dagdag pa ni Bato, wala naman umanong dapat ikabahala ang taumbayan sa mga banta ng terorismong nauulat kamakailan dahil nananatiling naka-alerto ang PNP lalo na ngayong Semana Santa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.