Confessed Davao hitman Lascañas, nakatakdang bumalik sa bansa sa April 22
Nakatakdang bumalik sa bansa ang self-confessed Davao Death Squad (DDS) leader Arturo Lascañas sa April 22, batay sa record ng Bureau of Immigration (BI).
Tahimik na lumabas ng bansa si Lascañas kagabi tungong Singapore, ngunit nauna niya nang ipinahayag sa Philippine Daily Inquirer na hindi siya tiyak kung kailang siya makakabalik sa bansa.
Sa isang panayam, sinabi ni BI spokesperson Antonette Mangrobang na ipinakita ni Lascañas sa immigration officers ang return ticket nito sa bansa mula Singapore sa April 22.
Samantala, sinabi ng naturang confessed DDS hitman na may mga banta na maghahain ng kaso laban sa kanya, at may mga taong naghahanap sa kanya kaya siya umalis sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.