6,000 katao, nananatili sa evacuation centers sa Batangas

By Rohanisa Abbas April 10, 2017 - 11:17 AM

Kuha ni Alvin Barcelona
Kuha ni Alvin Barcelona

Mahigit 6,000 katao ang nanatili sa evacuation centers sa Batangas sa gitna ng earthquake swarm na tumama sa lalawigan simula noong Martes, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Katumbas ng bilang na ito ang 1,222 pamilya na nasa 19 evacuation centers.

Ilang landslide at imprastruktura rin ang naiulat na napinsala ng magkasunod na malakas na lindol sa Batangas. Kabilang na rito ang landslide sa Mt. Maculot sa Cuenca, natumbang pader, kisame at hagdanan sa Batangas State University-Alangilan, at hindi bababa sa 20 bahay na nasira sa lalawigan.

Nakitaan din ng crack ang mga kalsada at tulay sa Agoncillo, Bauan, Batangas City at Mabini.

Matatandaang noong April 4, niyanig ng magnitude 5.5 na lindol ang Batangas. Sinundan ito ng mas malakas na aftershocks na magnitude 6.0 at magnitude 5.6 na lindol noong Sabado.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.