Pres. Duterte, inimbitahan sa peace prayers ng ‘healing priest’

By Jay Dones April 10, 2017 - 01:48 AM

 

Inquirer file photo

Nanawagan si ‘healing priest’ Fr. Joey Faller kay Pangulong Rodrigo Duterte na sabayan ang mga deboto ng Kamay ni Hesus (KNH) sa pagdarasal upang ganap na magkaroon ng kapayapaan sa bansa ngayong Semana Santa.

Ayon kay Fr. Faller, malugod nilang iniimbitahan sa KNH Shrine sa Lucban, Quezon ang Pangulo upang sumabay sa mataimtim na pagdarasal tungo sa katahimikan ng bayan.

Naniniwala ang pari na malaki ang maitutulong ng pagdarasal sa pangulo upang magabayan ito sa kanyang pagganap sa tungkulin.

Ayon pa kay Fr. Faller, epektibo ang pagdarasal at maari nitong mabago ang takbo ng buhay ng mga Pilipino at ng buong bansa.

Ipagdarasal rin nila at ng mga deboto ng Kamay ni Hesus ang iba pang lider ng bansa ngayong Holy Week upang magabayan ng Panginoon.

Si Fr. Joey Faller ang nagsisilbing administrator ng limang ektaryang KNH shrine sa Lucban na dinarayo ng mga deboto tuwing Semana Santa dahil sa umano’y pagiging milagroso nito.

Si Pangulong Duterte naman ay nakatakdang lumipad patungong sa ilang bansa sa Gitnang Silangan ngayong Holy Week.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.