21 patay sa pagpapasabog sa isang simbahan sa Egypt

By Isa Avendaño-Umali April 09, 2017 - 07:28 PM

 

egypt bombingHindi bababa sa dalawampu’t isang indibidwal ang nasawi, habang mahigit limampu ang sugatan sa pagpapasabog sa isang simbahan sa Cairo, Egypt, sa araw ng Palm Sunday.

Naganap ang pag-atake sa Coptic Christian church sa Nile Delta sa bayan ng Tanta, na punung-punong mga deboto.

Sa ilang mga litrato na kumalat sa social media, makikita ang maraming bilang ng mga duguan at patay na tao, ang iba’y tinakpan na ng mga papel.

Sa Egypt, tinatayang nasa sampung porsyento ang mga Christian.

Isa rin ang Egypt sa mga bansa sa buong mundo na tinatarget ng Islamic extremists.

Mariin namang kinondena ni Pope Francis ang panibagong pag-atake, lalo’t nangyari ito sa Araw ng Palaspas.

Bago ito, nagpasabi na ang Santo Papna dadalawa sa Cairo sa mga darating na araw.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.