US Embassy, nag-isyu ng travel warning sa Central Visayas

By Isa Avendaño-Umali April 09, 2017 - 05:33 PM

 

US embassyNag-isyu ang Embahada ng Amerika dito sa Pilipinas ng ‘travel warning’ sa mga kababayan nito, kasunod ng ulat ng kidnapping sa Central Visayas.

Sa travel advisory, sinabi ng US Embassy na nakatanggap ito ng ‘unsubstantiated yet credible information’ na mayroon umanong teroristang grupo na nagbabalak na mandukot o mangidnap sa Central Visayas, gaya sa Cebu at Bohol.

Pinapayuhan ng embahada ang mga US citizen na nasa Pilipinas na ikunsidera ang impormasyon sa balak na pagbiyahe o pagbabakasyon, rebyuhin ang personal security plans, iwasan ang mga matataong lugar o pagtitipon, at manatiling mapagmatyag sa lahat ng pagkakataon.US Embassy

Dagdag ng US Embassy, mayroong nagpapatuloy na banta ng terorismo laban sa mga American citizen at interes sa ibang bansa, tulad sa Pilipinas, base na rin sa ‘Worldwide Caution’ na inilabas noong Marso.

Ang mga masasamang loob umano ay naghasik na sa sporting events, theaters, markets, mass transportation systems, maging sa matataong nightclubs, shopping malls, mga bus at sikat na restaurants.

Sinabi pa ng US Embassy na marapat na alalahanin ng kanilang mga kababayan ang kahalagahan ng preventive measures para sa kaligtasan, sa biyahe man ang mga ito o naninirahan na sa Pilipinas.

Matatandaan na makailang beses nang nag-isyu ng travel warning ang Embahada ng Amerika, lalo na kapag may banta ng terorismo.

 

TAGS: U.S Embassy, U.S Embassy

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.