Oil price hike, nakaamba ngayong Holy Week
Nakaumang ang panibagong dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo, ngayong Semana Santa.
Batay sa oil industry, tinatayang nasa P1.00 hanggang P1.10 ang pagtaas sa presyo ng bawat litro ng gasolina.
Aabot naman sa 80 hanggang 90 centavos ang price increase sa kada litro ng diesel at kerosene.
Sa ngayon ay hindi pa nag-aanunsyo ng price hike ang mga kumpanya ng langis.
Tuwing Kwaresma, karaniwang nagbabakasyon ang mga Pilipino.
Marami sa mga motorista ang nagtutungo o lumuluwas sa iba’t ibang lalawigan upang doon magpalipas ng Holy Week.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.