Mabini, Batangas, isinailalim na sa state of calamity

By Cyrille Cupino April 09, 2017 - 03:53 PM

MabiniIsinailalim na sa ‘state of calamity’ ang bayan ng Mabini, Batangas epektibo ngayong araw, April 9.

Ayon kay Mabini Mayor Bistrics Luistro, nasa ‘state of shock’ pa ang mga residente hanggang sa ngayon dahil sa sunod-sunod pa ring aftershocks.

Sinabi ng alkalde, ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakaranas ang kanilang bayan ng malakas na lindol sa loob ng 100 taon.

Sa inisyal na pagtaya ng Mabini Municipal Disaster Risk Reduction Management Council, aabot sa halagang 28.5 million pesos ang nawasak sa kanilang imprastruktura.

Ilang residente ang bahagyang nasugatan matapos mabagsakan ng debris, pero tiniyak nito na walang nasawi matapos ang lindol.

Aabot naman sa siyamnapung bahay ang totally-damaged, habang animnaraan ang partially-damaged.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.