DOLE, pinaalalahanan ang mga employer sa tamang pasweldo sa Araw ng Kagitingan at Holy Week
Pinaalalahanan ng Department of Labor and Emplopyment ang mga employer na bayaran ng tama ang mga
mangggawa na papasok sa Araw ng Kagitingan o April 9 at sa Huwebes Santo sa April 13 at Biyernes Santo sa April 14.
Ayon sa DOLE, kapag hindi pumasok ang manggagawa sa mga nabanggit na petsa, makatatanggap pa rin sila ng 100% na sweldo.
Kapag pumasok ang manggagawa sa regular holiday, makatatanggap siya ng 200% na sweldo.
Kapag nag-overtime o sumubra ng walong oras sa trabaho, babayaran na ng karagdagang 30% ang kada oras
nito.
Kapag nagkataon na pinapasok ang manggagawa sa kanyang day off, babayaran ito ng 200% at
karagdagang 30%.
Para naman sa special non-working day sa April 15 o Sabado de Gloria, iiral naman ang no work no pay kapag hindi pumasok ang manggagawa.
Pero kapag pumasok ang manggagawa sa Sabado de Gloria, makatatanggap ito ng karagdagang 30% na
bayad at karagdagang 30% sa kada oras na overtime.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.