(UPDATE) Niyanig ng magkakasunod na lindol ang malaking bahagi ng Luzon kabilang ang Metro Manila kahapon.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang unang lindol ay may lakas na magnitude 5.6 na may lalim na 27 kilometers bandang 3:07 p.m. sa layong isang kilometro sa Timog- Kanluran ng Mabini, Batangas.
Makaraan ng dalawang minuto, bandang 3:09 p.m ay yumamig ng magnitude 6.0 na lindol na may lalim na 24 km sa layong 12 km ng Hilagang Kanluran ng Mabini.
Ang pangatlong lindol naman ay naitala makalipas ng 20 minuto, 3:29 pm na may lakas na magnitude 4.1 sa layong
2 km Timog Kanluran ng San Luis, Batangas.
Habang ang ikaapat na lindol nay may lakas na magnitude 4.7 ay naitala makalipas ng mahigit isang oras 4:36 pm
sa layong 15 km ng Hilangang Kanluran ng Mabini.
Sinabi ng Philvocs na tectonic ang origin ng apat na lindol at asahan na rin ang mga aftershocks.
Kaugnay nito, naitala ng Phivolcs ang Intensity VII sa Mabini, Batangas.
Sa mga munisipalidad ng Calatagan, Nasugbu at Tingloy sa Batangas ay naramdaman ang Intensity VI.
Habang Intensity V naman sa Batangas City, Sto. Tomas at Lemery sa Batangas at Tagaytay City.
Naramdaman ang Intensity IV sa Dasmariñas, Cavite, Lucena City, Laguna at Pateros.
Habang Intensity III naman ang naitala sa Makati, Pasay, Quezon City, Muntinlupa, Malabon, Mandaluyong at
Bacoor, Cavite,
Naitala naman sa Daet, Camarines Sur ang Intensity II.
Kamakalawa lamang ay niyanig rin ng lindol ang lalawigan ng Batangas.
Sinabi ni Batangas Gov. Hermilando Mandanas na may natanggap na silang mag impormasyon kaugnay sa mga
minor damage ng ilang gusali at bahay sa lalawigan dulot ng lindol.
Sa Metro Manila, ilang mga lugar naman ang naireport na nawalan ng supply ng kuryente makalipas ang lindol.
Pero tiniyak naman ng Meralco na kaagad na reresponde ang kanilang mag tauhan para maibalik kaagad ang
suplay ng elektrisidad.
Samantala, nagkansela ng panghapong klase sa FEU Manila, FEU Makati at ang mga campus ng De La Salle University sa Taft Avenue, Makati at BGC bunsod ng lindol.
Pansamantala namang sinuspinde ang mga biyahe sa Batangas at Mindoro dahil sa pangyayari.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.