Pagpayag na pag-okupa sa Bulacan housing units, nananatiling “mere lip service” – Sotto
Nananatiling “mere lip service” ang pagpayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga miyembro ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) na manatili sa mga pabahay sa Bulacan ayon sa isang senador.
Sa pananaw ni Senate Majority Leader Vicente Sotto III, maaaring bawiin ng pangulo ang naging desisyon at paalisin anumang oras ang mga Kadamay members sakaling makitaan ng administrasyon ng paglabag sa batas dito.
Aniya, maituturing pa ring “informal settlers” ang mga ito sa naturang housing units dahil pormal itong nai-turnover sa ilang police at sundalo.
Pinayagan lang aniyang manatili ang mga ito sa ngayon ngunit idiniin ni Sotto na wala pang nagaganap na paglilipat ng mga dokumento at pirmahan kaya hindi pa maituturing na tapos na ang usapan sa isyu.
Ayon pa sa senador, alam nito na magiging mapagkumbaba ang pangulo sa pag-anim sakaling mali ang naunang desisyon nito.
Samantala, tinawag ng senador ang atensyon ni Executive Secretary Salvador Medialdea na magsagawa ng mas masusing pag-aaral kaugnay sa isyu.
Patuloy naman ang profiling ng National Housing Authority sa mga okupadong housing areas upang alamin kung makokonsiderang kwalipikado ang mga naninirahan dito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.