Singil sa kuryente at tubig, magkakaroon ng dagdag-singil ngayong Abril
Nakaamba ang mas mataas na singil sa kuryente at tubig ngayong buwan.
Batay sa anunsiyo ng Manila Electric Co. (Meralco), asahan ang pagtaas sa kuryente dahil mas maraming planta ang mag-ooffline sa gitna ng dumaraming demand sa kuryente.
Ayon kay Lawrence Fernandez, senior vice president ng Meralco, hindi lalagpas sa piso ang naturang dagdag-singil
Apektado ito ng 20-day shutdown ng Malampaya Gas Facility kung saan unang inanunsyo ang aprubadong fuel cost recovery na P 0.66 per kilowatthour noong nakaraang buwan.
Ayon naman sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS), simula sa April 22, tataas rin ang singil sa tubig bunsod ng pagbaba ng piso kontra dolyar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.