Pagpunta ni Duterte sa WPS di dapat damdamin ng China ayon sa DFA
Naniniwala ang Department of Foreign Affairs na hindi makakasira sa relasyon ng Pilipinas at China ang balak ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagtataas ng watawat ng bansa sa isa sa mga pinag-aagawang isla sa West Philippine Sea.
Sinabi ni DFA Spokesman Asec. Charles Jose na gagawin naman ang seremonya kung matutuloy man sa teritoryong sakop ng bansa.
Ipinaliwanag pa ng opisyal na ipinapakita lamang ng pangulo na hindi niya tatalikuran ang kanyang tungkulin na bigyan ng importansiya ang paghahabol ng Pilipinas sa ilang mga isla sa West Philippine Sea.
Idinagdag pa ni Jose na nauna namang ipinakita ng pangulo na gusto niya ang katahimikan sa rehiyon sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa ilang mga claimant-countries tulad ng China.
Magugunitang sinabi ng pangulo na gusto niyang itaas ang watawat ng Pilipinas sa Pag-asa Island na ngayo’y bahagi na ng lalawigan ng Palawan.
Gaganapin umano ang nasabing makasaysayang pangyayari sa June 12, na siyang Independence Day ng bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.