75,000 na mga pulis, handa nang magbantay sa Semana Santa

By Kabie Aenlle, Ruel Perez April 08, 2017 - 05:46 AM

philippine-national-police-assembly-marchWalang nakikitang dahilan sa ngayon ang Philippine National Police (PNP) para magdagdag pa ng pwersa bukod sa 75,000 na mga pulis sa buong bansa na sinimulan nang ipakalat kahapon para sa magbantay sa kasagsagan ng Semana Santa.

Ayon kay PNP Spokesman Sr. Supt. Dionardo Carlos, sa unang pagtaya ay sapat na ang bilang na ito para magbantay ng seguridad sa kasagsagan ng paggunita ng Semana Santa at pagdagsa ng mga pasahero sa iba’t ibang pampublikong terminal ng bus, paliparan at pantalan.

Bagaman mas mataas umano ang nabanggit na bilang kumpara sa 68,000 na pulis na ipinakalat sa buong bansa noong isang taon sa parehong panahon.

Giit ni Carlos, manggagaling lamang sa intelligence report o information ang go signal kung may pangangailangan pa sa dagdag na pwersa.

Ayon pa kay Carlos, wala pa naman silang natatanggap na credible threat sa seguridad sa bansa, sa kabila ng pagkakaaresto ng dalawang hinihinalang miyembro ng Islamic State group sa Taguig kamakailan.

Sa ngayon, nananatili sa full alert ang status ang PNP.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.