Kadamay, isang ‘front’ ng komunistang grupo ayon kay Trillanes
Iginiit ni Sen. Antonio Trillanes IV na ang Kadamay o Kalipunan ng Damayang Mahihirap na binigyan ng libreng pabahay na para sana sa mga pulis o sundalo ay isang ‘front’ ng komunistang grupo.
Kaugnay ito ng pagbibigay ni Pangulong Rodrigo Duterte sa naturang mga pabahay sa bayan ng Pandi at San Jose Del Monte City sa Bulacan sa grupo.
Ayon kay Trillanes, mismong napapalibutan ang pangulo ng mga miyembro ng Central Committee ng Communist Party of the Philippines (CPP) na siyang nadidikta ng mga polisiya sa pamahalaan.
Dagdag pa ni Trillanes na alam lahat ito ni Duterte.
Binabalanse aniya ng pangulo ang mga bagay-bagay dahil magagalit ang mga ito.
Ayon sa senador mga senior members ng CPP-NPA-NDF sina Executive Secretary Salvador Medialdea at Labor Secretary Silvestre Bello III na siya ring chair ng government peace panel sa usapang pangkapayapaan sa NDF.
Aniya si Medialdea ay isang full member habang si Bello naman ay isang “active national democrat”.
Ayon kay Trillanes, meron siyang listahan mula sa military sources.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.