Botohan sa Israel, maaantala dahil sa concert ni Britney Spears

By Kabie Aenlle April 07, 2017 - 03:41 AM

britney-spearsDahil sa concert ng Princess of Pop na si Britney Spears, mauurong ang petsa ng primary election ng Labor Party sa Israel.

Nakatakda kasi ang concert ng singer sa Tel Aviv sa July 3, na makakasabay ng primary election ng Israeli Labor Party.

Ayon kay Labor Party spokesman Liron Zach, iniurong na lang nila sa July 4 ang kanilang botohan dahil hindi sila makapag-arkila ng sapat na security personnel para sa halalan dahil sa concert ni Spears.

Mahihirapan din aniya ang mga tao dahil inaasahan ang matinding traffic at mga roadblocks.

Ang primary election ay isinasagawa para pagbotohan kung sino ang magiging chairman ng partido, at kung sino ang mananalo, ay siyang tatakbo para maging sunod na prime minister.

Nilinaw naman ni Zach na hindi sila kinakabahan na baka mas piliin ng mga tao si Spears, kundi nag-aalala lang sila sa magiging lagay ng seguridad at trapiko.

Gaganapin ang concert sa Yarkon Park, na katapat lang ng Tel Aviv exhibition grounds kung saan naman gaganapin ang botohan.

Ito ang magiging kauna-unahang concert ni Britney sa Israel.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.