Babae, binaril sa ulo matapos abutan ng bulaklak sa Bulacan

By Kabie Aenlle April 07, 2017 - 04:40 AM

07tin-620x620Patay ang isang 23-anyos na babae matapos siyang barilin sa ulo ng mga gunmen na nag-deliver ng bouquet ng bulaklak at mga tsokolate sa mismong tahanan nito sa Plaridel, Bulacan.

Kinilala ni Plaridel police chief Supt. Julio Lizardo ang biktima na si Mary Christine Balagtas, na dati pang nanalong Lakambini ng Bulacan noong 2009.

Tinanggap umano ni Balagtas ang mga bulaklak na dinala sa kaniya ng dalawang lalaki pasado alas-9:00 ng umaga ng Miyerkules sa 1st La Mirada Subdivision sa Barangay Banga sa Plaridel.

Isinugod pa sa Our Lady of Mercy Hospital sa Pulilan si Balagtas, ngunit idineklara rin siyang dead on arrival.

Tumakas ang mga suspek sakay ng motorsiklo, ngunit may leads na ngayon ang mga pulis na makakatulong sa pagtukoy sa pagkakakilanlan ng mga ito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.