Hiling ni Trillanes kaugnay ng bank transactions ni Duterte, tinanggihan ng AMLC

By Kabie Aenlle April 07, 2017 - 03:58 AM

duterte-trillanes1Hindi pinagbigyan ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) ang request ni Sen. Antonio Trillanes IV na ilabas ang mga “flagged/reported” bank transactions ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa liham na ipinadala nila kay Trillanes, humingi ng paumanhin ang AMLC dahil hindi nila ito maaring gawin sapagkat hindi ito pinahihintulutan sa ilalim ng Bank Secrecy Law.

Paliwanag ng AMLC, lahat ng mga transaksyon sa bangko ay mananatiling “absolutely confidential” at hindi maaring ibigay sa sinuman kahit pa ito ay opisyal ng gobyerno, kawanihan o anumang opisina.

Dagdag pa ng AMLC, bagaman mayroon silang kapangyarihan na magsagawa ng bank inquiry, nakasaad sa Anti Money Laundering Act of 2001 na maari lang nila itong gawin para sa imbestigasyon ng aktibidad na labag sa batas, o kaya ay money laundering.trillanes amlc letter

Kung wala naman sa mga nabanggit na sitwasyon ang dahilan, hindi sila maaring magsagawa ng bank inquiry, at hindi nila maaring kunin ang mga bank records o transactions ng ninuman.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.