Dagdag na pondo sa mga pensionado galing sa sariling savings ng SSS

By Den Macaranas April 06, 2017 - 03:36 PM

SOCIAL SECURITY / JANUARY 14, 2016 A elderly man with his companions walk pass an SSS sign in Manila on Thursday, January 14, 2016.  President Aquino vetoes on Thursday the SSS pension hike bill. INQUIRER PHOTO / GRIG C. MONTEGRANDE
INQUIRER PHOTO / GRIG C. MONTEGRANDE

Nilinaw ni Social Security System (SSS) President at Chief Executive Officer Emmanuel Dooc na hindi galing sa government subsidy kundi sa investment income at members contribution ang pondong inilaan para sa dagdag na pension ng retired members ng ahensiya.

Sa kabuuan ay umaabot sa P6.2 Billion ang inilaan ng SSS para sa dagdag na P1,000 para sa mga pensioners.

Nilinaw ng opisyal na ang unang napa-ulat na P196.86 Million ay hindi napunta para sa mga pensioners ng SSS kundi ito ay share ng national government para sa Educational Loan Assistance Program (ELAP) na sinumulan noon pang 2012.

Sinabi ni Dooc na dapat malinawan ang isyu dahil ang ginamit na dagdag na pondo para sa pension ay galing sa mismong saving ng ahensiya at hindi sa pamahalaan.

Ipinaliwanag rin ni Dooc na base sa Educational Assistance Fund Program (EAFP) ng pamahalaan na sinimulan noong 2012, ang SSS ay pinapayagang maglaan ng educational loan assistance sa mga miyembro nito ng hanggang sa P7 Billion.

Sakop ng tinatawag na loan beneficiaries ang mga miyembro ng SSS, kanilang mga legal na asawa at mga anak samantalang para sa mga miyembro na wala pang asawa ay sakop naman ang kanilang mga kapatid pati ang mga half-sisters o half brothers bilang mga beneficiaries.

Base sa tala ng SSS, noong nakalipas na buwan ng Marso ay umabot na sa P4.53 Billion ang pondo nailaan para sa mga nag-avail ng EALP program na napakinabangan naman ng 81,000 college student beneficiaries.

TAGS: 000, dooc, P1, Pension, sss, 000, dooc, P1, Pension, sss

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.