Inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) ang apat na lalaki sa Navotas City dahil sa oil smuggling.
Huli sa akto na nagbebenta ng produktong petrolyo ang mga suspek. Nagtakbuhan naman papaalis sa bangka ang mga customer ng mga ito nang makitang papalapit ang mga tauhan ng NBI at Bureau of Customs (BOC).
Nasabat sa mga ito ang apat na container na naglalaman ng diesel at 10 pang lagayang walang laman.
Kinilala ang mga suspek na sina Mark June dela Cruz, Joemar Delvo, Levy Manlapaz at Larry Santiago.
Ayon sa NBI at BOC, bigo ang mga ito na magpakita ng ‘license to operate’ mula sa Department of Energy.
Kinasuhan na ang mga suspek ng paglabag sa Oil Pilferage Law.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.