OIC governor sa Northern Samar pinatawan ng sampung taong pagkabilanggo ng Sandiganbayan

By Ricky Brozas April 06, 2017 - 09:55 AM

Sandiganbayan buildingSampu hanggang labingapat na taong pagkabilanggo ang ipinataw ng Sandiganbayan sa dating Northern Samar officer-in-charge Governor na si John Kam dahil sa kasong Malversation of Public Property.

Bukod sa pagkabilanggo pinagbabayad din ng Sandiganbayan si Kam ng mahigit sa 18-libong pisong multa.

Lumitaw sa imbestigasyon ng Ombudsman na nabigo si Kam na ibalik ang dalawang piraso ng baril at isang unit ng motorsiklo matapos bumaba sa pwesto.

Sa 16-na pahinang desisyon sinabi ng Sandiganbayan na lumitaw sa masusing eksaminasyon na si Kam mismo ang nakapirma sa kinukuwestyong Memorandum Receipts.

Ito ang nagpalakas sa claim ng prosekusyon na nasa pag-iingat pa rin ni Kam ang hindi nito ibinalik mga baril at motorsiklo sa kabila ng ipinadala sa kanyang demand letter.

TAGS: John Kam, Malversation of Public Property, northern samar, OIC Governor, sandiganbayan, John Kam, Malversation of Public Property, northern samar, OIC Governor, sandiganbayan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.