Tubero, patay matapos pagbabarilin sa loob ng kanyang bahay sa Batasan Hills, QC

By Cyrille Cupino April 06, 2017 - 07:37 AM

TUBERO PATAY SA PAMAMARIL SA BATASAN
Kuha ni Cyrille Cupino

Patay ang isang tubero matapos pagbabarilin sa loob mismo ng kanyang bahay sa Libis Extension, Kalayaan St., Brgy. Batasan Hills, Quezon City.

Kinilala ang biktima na si Jomar Triles, alyas ‘Tamul’, 22-anyos.

Kwento ng kapatid ng biktima na si Alexis, nag-iinuman sila ng kanyang nakababatang kapatid at iniwan niya lang ito sandali para ihatid ang kanyang girlfriend.

Nang kanyang katukin ang kanilang bahay, tumambad na sa kanyang harapan ang walang buhay na katawan ng kanyang kapatid.

Aminado naman ang kapatid ng biktima na dati nang gumagamit ng droga ang kanyang kapatid, at sumuko na rin ito dati sa Oplan Tokhang.

Kwento naman ng Edgardo Aguilar, BPSO, nakita nila habang rumuronda ang apat na lalaking nakasuot ng bonnet at ilang minuto lang ay nakarinig na sila ng sunud-sunod na putok ng baril.

Inaalam pa ngayon ng pulisya kung anong motibo sa likod ng pamamaril.

 

WATCH:

 

TAGS: alyas 'Tamul', Batasan Hills, Jomar Triles, Pinasok sa loob ng bahay, quezon city, sumuko sa Oplan Tokhang, alyas 'Tamul', Batasan Hills, Jomar Triles, Pinasok sa loob ng bahay, quezon city, sumuko sa Oplan Tokhang

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.